Lunes, Oktubre 26, 2015

Puno na!

“Lahat ng puno dapat binabawasan na, kasi kapag uapaw yan mahirap na! Maaaring ikaw yung masaktan o ikaw yung makasakit”

Matagal tagal na rin mula noong huli akong nagsulat,tungkol man sa nararamdaman ko o yung para sa blog ko.Kadalasan kasi puro article yung ginagawa ko.Sa tagal na yun sobrang dami na ring pumapasok sa isip ko na dapat kong isulat, gustong gusto ko. Sobrang busy lang siguro pero nakakainis lang na sa sobrang ka busyhang yun ay wala pa ding magandang ibinubunga,kung hindi talo baka naman wala sa top. Ang sakit talaga! Pero sabagay walang wala tong sakit na to sa tunay na nararamdaman ko. Hay sige na magsusulat na ko ULIT.

10 Bagay na gagawin ngayong SEMBREAK.

Sembreaknaaaaaaa! Kay tagal ko tong hinintay pero ngayong nanditona, di ko na alam gagawin. Pero itong 10 lang ang sisiguraduhin kong magagawa ko ngayong sembreak.
MATULOG- Jusmiyo marimar! Unang una to syempre dahil bukod sa masarap matulog eh, halos isang buwan na rin akong walang matinong tulog.  Tsaka diba pano ko pa magagawa yung natitirang siyam kung bangag ako.
MAGSULAT- Magsulat magsulat magsulat. Para sa mga takdang aralin at para sa pasahan ng dyaryo. Hihi.Pero sa ngayon na broken hearted ako, parang ayoko munang humawak ng lapis at papel, andaming kong nasusulat na puro kaampalayahan, nakakatakot. Ang bitter kona ata. Hayyyyy!
MAGBIKE- Matagal tagal na mula noong huli akong nagbike kaya sisiguraduhin kong makakasakay ako sa bike ko at mahahanginan ng presko, jusko sa araw araw na ginawa ng diyos puro hangin na may polusyon nalang yung nalalanghap ko.
MAGSELFIE- Oo, pansin ko kasi puro nalang ako groufie e, selfie naman para sympre may remembrance
GUMALA- Syempre naman noh, sayang bakasyon. Sa totoo lang sa 3 araw na nagsimula na yung sembreak eh andami ko na agad napuntahan. Gala lang din siguro yung pamilya ko kaya ganun
MAGSIMBA- /sign of the cross/ Kailangan yan syempre. Sa sobrang busy ko sa school eh nakakalimutan kong magsimba kaya kailangan kahit isa o dalawang beses manlang eh makapagsimba ako ngayon.
MAG ARCADE- Hindi to pwedeng mawala syempre.  Mahal na mahal ko ang Quantum at Austin Land e, baka Manalo ulit kami ng token nila papa. Paborito naming tong gawin nila papa tuwingsabado at lingo at mukang mas mapapadalas pa kami sa SM lalo na ngayong sembreak
MAGPA-KULOT- For a change lang. Hahaha! Sana magawa ko to talaga, gustong gusto kong magpakulot kasi bagay sakin e, pero depende parin to kay mama. Siya parin kasi magbabayad kaya di ako pwedeng umangal.
MAGHILOD- Ookailangan na talaga to, sa araw araw ba naman na nababahiran ako ng polusyon ng syudad e malamang nililibag nako. Idagdagmo pa yung 5 minutes lang naligo dapat pag umaga kasi nga maaga yung pasok. Tamang tama kakabili lang din ni mama ng bagong panghilod.
MAGTIRIK NG KANDILA- Syempre mag uundas na kailangan to, bukod sa titirikan kong kandila yung mga mahal ko sa buhay na lumisan na e balak ko ding tirikan ng kandila yung mga kinaiinisan ko, ang sarap lang nilang bilhan ng nitso at isabay na sa pista ng mga patay. Hayyyy nkakapanginit ng dugo.

Lunes, Oktubre 19, 2015

Ang pagbabalik

Matagal na ring hindi nagagamit
ang mga kamay kong nangangawit
Nangangawit kakasulat
ng mga akdang nakakagulat

Ang Linggong to'y nakakapagod
kulang nalang ako'y humagod
Tambak na gawain, nakakalokang sulatin
Kailan ba ito matatapos?
dahil parang ako'y nakagapos

Bukas na ang pinakahihintay na laban
kaya sana kami'y gabayan
Eto na ang huling pagkakataon
Kaya sana'y kami na ang kampyeon

Lovelife ay di na naaasikaso
dahil sa mga gawaing nag iinaso
Siguro tama narin ito
Para puso'y di na malito

Malito kung gusto niya ba ako
o sadyang pinaglalaruan ang pusong bato
Hanggang dito nalang siguro
ang tulang to oh aking kwadreno.

Linggo, Oktubre 4, 2015

PERKS OF BEING A MANUNULAT #BreezyGoalsEdition

Ang pagiging manunulat ay isang napaka hirap na trabaho at the same time nakakaenjoy. Mahirap kasi,moremore sulat at moremore isip talaga ang kailangan.Masaya naman kasi syempre kung saan sang lugar ka ipapadala para mag cover kaya more more experience at more more harot din. Since ayaw kong malungkot at gusto kong puro happy thoughts lang pag usapan natin ngayon kung gaano kasayang maging manunulat.  Nandito sa baba ang limang bagay na magpapatunay kung bakit Masaya maging manunulat.

1.) Sulat sabay Silay <3
Sa bagay na ito ituturo sayo ang pagmumulti tasking #Multitasking101breezygoalsedition. Eto yung feeling na pag nagcocover ka ng isang event tapos may pogi,OMGGGGGG dis! Yung habang nag susulat ka ng facts about that event eh nakaka simpleng silay ka na rin ng bongang bonga kay crush. Oh diba, nkapagsulat ka na,naka silay ka pa.

2.) Picture for documentation and kilig commotion.
Alam kong sa title palang relate na relate na yung mga photojourn jan! Gasgas na gasgas na ang dahilang ito,yung magpipicture daw para sa documentation (na minsan totoo naman) pero ang tunay na pakay naman ay para lang mapicturan si crush. Minsan nga eh yung iba nagfefeeling photojourn pa,makapag stolen shot lang, yan ang tunay na breezy! Kahit ako relate din e,syempre ako gumawa neto tsaka photojourn din ako! (well) Pero realtalk mahirap talaga maging photojourn, yung tipong kailangan mo pang dumapa’t masugatan makakuha lan nng magandang anggulo.

3.) Awra kung awra (don’t be shy)
Bilang isang writer,hindi ka dapat mahiyan. Kumabaga e kunektado lang to dun sa pangalawa. Yung tipong magpipicture ka nalang aawra ka pa! Pero dapat lang no, bukod sa minsan lang yun,kailangan talaga yun para makakuha ng magandang anggulo’t litrato.

4.) Interview with benefits.
Eto naman yung pinakang last at exciting part para sa mga manunulat,ditto talaga lalabas yung pagiging breezy mo e! Napaka applicable nito sa mga sports events. Yung tipong pagkatapos ng laro eh kating kati ka na mag interview lalong lalo kung gwapo yung mga players. Una isa itonng malaking pribileheyo para sa aming mga manunulat dahil isa kami sa mga pinapayagang makausap,mahawakan at malaman yung mga bagay bagay tungkol sa coach at manlalaro, perpek yun! Nakapag interview ka na para sa article mo,nakaharot ka pa sa sandaling panahon.

5.) Meron sana kaso wag na lang pala.
May ilalagay pa sana ako kaso nakalimutan ko na. Kaya ito lang ang payo ko sa inyong mga manunulat at gusting maging manunulat,wag na wag kayong magiging makalimutin. Kalimutan nyo na lahat wag lang ang lapis,ballpen at camera na magiging sandata nyo sa bawat laban na susuungin nyo.


Ano nakarelate ka ba? Kung oo, ay jusko isa ka ng ganap na hokage! Ganap na manunulat at breezy na manunulat. Kung hindi naman,pwede ka ng magbigti! Pero biro lang, wag kang mag-alala’t mararanasan mo rin yan. Kumbaga e ang mga bagay na to ay isang normal na bagay na kailangan maranasan ng bawat manunulat kaya malamang sa malang mararansan mo rin yan. Kung naranasan mo nga,hindi naman ibig sabihin nun e malandi ka na, ginagawa mo lang yung trabaho mo sa paraang ikatutuwa at ikabubuhay ng dugo’t pagkatao mo.

#IbaTo!

Araw na naman ng mga guro,ang araw na pinaka hihintay ko. Kasi sa araw nato,mas masarap magpasalamat at magbigay pugay sa kanila. Bukod sa kaliwa’t kanang batian ng Happy Teacher’s Day ang maririnig mo eh talamak din ang pagpapagawa ng tula o sanaysay para sa kanila,tulad na lamang ng ginagawa ko. Noong pinagawa kami nito ay isang tao lang ang pumasok agad sa isip ko at yun ay si Sir Timbal. Sobrang grabe lang kasi ng impact niya sa buhay ko,samin ng mga kaklase ko kaya dahil doon ay hindi para sa kanya tong gagawin ko. Pero syempre thankyou pa din kay sir diba! Alam ko namang marami ng gagawa ng ganto para sa kanya. Kaya ngayon ang sanaysay na ito ay para sa namumukod tanging guro na nakilala ko,ang unique niya grabe. Na sa sobrang unique niya aakalain mo na hindi siya guro. Never ko siyang naging teacher sa kahit anong subject pero naging sobrang malapit ako sa kanya. Siya yung tipo ng guro na para ng kuya,bestfriend at tatay sa lahat. Tung matatakbuhan mo talaga sa oras ng problema,yun nga lang dapat maging handa ka sa mga payo niyang pawing kalokohan lamang. Pero minsan seryoso din naman siya,pag sinabo kong minsan eh talaga once in a blue moon lang. Siya rin yung tipo ng guro na sobrang adik sa Dota,COC at iba pang computer games. Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit siya namumukod tangi,san ka naman nakakita ng Guro na mahilig sa ganyan diba. Isa rin yan sa dahilan kung bakit maraming estudyante ang malapit sa kanya, mapa babae man o lalaki. Bagaman may pagka pilyo itong si Sir,hindi pa rin nawawala ang galing niya sa pagtuturo lalong lalo na sa asignaturang Filipino. Naging club adiser ko pala siya, dahilan kung bakit parte ako ngayon ng school paper. Grade 7 palang ako ay pinush niya na ko na ipagpatuloy ang pagsusulat ko. Hindi lang ang relasyon sa mga estudyante’t kapwa guro ang nakakahanga tungkol sa kanya kundi pati na rin ang relasyon niya sa panginoong diyos. Sa una hindi mo talaga aakalain na maka diyos itong si sir. Sobrang nakakabilib talaga kung paano niya iworship at sundin ang mg autos ng diyos. Marami pa kong gusting ikwento tungkol sa kanya pero hindi sapat ang tinta ng ballpen ko para isulat lahat ng mabuting bagay ng nagawa niya. Isa siyang alamat! Siya nga pala, Laurence Alvin ang pangalan niya, Laurence Alvin na may apelyidong Ferrer. Sana’y makatagpo niyo rin siya.

Sanaysay para sa ekonomiya!


Pangatlong taon ko na to sa hayskul at pangatlong taon ko na ring pinag aaralan ang tungkol sa paggawa ng sanaysay, feeling ko tuloy kami na ang magpapatunay ng poreber.
Pero seyoso bakit nga ba kailangan itong pag-aralan? Siguro para mas matuto tayo diba,o baka naman trip trip lang? Pero hindi e. Gusto talaga tayong matuto, mahalaga talaga to lalo na kung ikaw yung tipo ng tao na mahiyain, sa pagsusula ng sanaysay mas maipapahayag mo talaga lahat ng nararamdaman mo! Grabe sobrang nakakawala ito ng stress, sa sanaysay rin mas masasabi mo ang mga opinion at saloobin mo tungkol sa isang particular na paksa. Kaya kung ako sayo, i grab mo na ang oporunidad na ito tungkol sa sanaysay. Natuto ka na nagkaroon ka pa ng stress reliever.



Kailan ba naging sapat ang kulang?



Maraming nagtatanong kung sapat bang yung mga karapatang natatanggap naming babae. Syempre isa lang naman ang sagot jan! HINDI. Lagi namang kulang e, may bago ba? Pero okay lang sanay na naman na naman kaming pagkaitan e. Haha! Pero realtalk hindi talaga sapat! Unang una, may mga bagay at karapatan pang dapat ipatupad tungkol saamin. Pangalawa, nanjan nga ang mga karapatan hindi naman nasusunod ng maayos! Marami paring babaeng naabuso. Hindi man ako,pero yung kaibigan ko ay grabe! Busog na busog yun sa pang-aabuso. Hindi ko alam kung anong manyayari matapos kong sagutin ang tanong na ito pero isa lang ang gusto kong malaman nyo! May ipinaglalaban ako at iyon ay ang karapatan ko. Karapatan ng mga babae mas tutukan upang pang aabuso’y kanila ng tigilan!