Sembreaknaaaaaaa! Kay tagal ko tong
hinintay pero ngayong nanditona, di ko na alam gagawin. Pero itong 10 lang ang sisiguraduhin
kong magagawa ko ngayong sembreak.
MATULOG- Jusmiyo marimar! Unang una to
syempre dahil bukod sa masarap matulog eh, halos isang buwan na rin akong walang
matinong tulog. Tsaka diba pano ko pa
magagawa yung natitirang siyam kung bangag ako.
MAGSULAT- Magsulat magsulat magsulat. Para
sa mga takdang aralin at para sa pasahan ng dyaryo. Hihi.Pero sa ngayon na
broken hearted ako, parang ayoko munang humawak ng lapis at papel, andaming kong
nasusulat na puro kaampalayahan, nakakatakot. Ang bitter kona ata. Hayyyyy!
MAGBIKE- Matagal tagal na mula noong huli akong
nagbike kaya sisiguraduhin kong makakasakay ako sa bike ko at mahahanginan ng presko,
jusko sa araw araw na ginawa ng diyos puro hangin na may polusyon nalang yung nalalanghap
ko.
MAGSELFIE- Oo, pansin ko kasi puro nalang ako
groufie e, selfie naman para sympre may remembrance
GUMALA- Syempre naman noh, sayang bakasyon.
Sa totoo lang sa 3 araw na nagsimula na yung sembreak eh andami ko na agad napuntahan.
Gala lang din siguro yung pamilya ko kaya ganun
MAGSIMBA- /sign of the cross/ Kailangan yan
syempre. Sa sobrang busy ko sa school eh nakakalimutan kong magsimba kaya
kailangan kahit isa o dalawang beses manlang eh makapagsimba ako ngayon.
MAG ARCADE- Hindi to pwedeng mawala syempre. Mahal na mahal ko ang Quantum at Austin Land
e, baka Manalo ulit kami ng token nila papa. Paborito naming tong gawin nila
papa tuwingsabado at lingo at mukang mas mapapadalas pa kami sa SM lalo na ngayong
sembreak
MAGPA-KULOT- For a change lang. Hahaha!
Sana magawa ko to talaga, gustong gusto kong magpakulot kasi bagay sakin e,
pero depende parin to kay mama. Siya parin kasi magbabayad kaya di ako pwedeng umangal.
MAGHILOD- Ookailangan na talaga to, sa araw
araw ba naman na nababahiran ako ng polusyon ng syudad e malamang nililibag nako.
Idagdagmo pa yung 5 minutes lang naligo dapat pag umaga kasi nga maaga yung pasok.
Tamang tama kakabili lang din ni mama ng bagong panghilod.
MAGTIRIK NG KANDILA- Syempre mag uundas na kailangan
to, bukod sa titirikan kong kandila yung mga mahal ko sa buhay na lumisan na e
balak ko ding tirikan ng kandila yung mga kinaiinisan ko, ang sarap lang nilang
bilhan ng nitso at isabay na sa pista ng mga patay. Hayyyy nkakapanginit ng dugo.
Hanggang sa blog Ple?
TumugonBurahinAng alin? Haha
TumugonBurahin