Di ko alam kung saan at paano ako magsisimula.Ilang taon na akong nagsusulat, kumbaga e dapat madali nalang to sakin pero dahil kayo ang paksa ay para bang nauutal ako. Oo nga ang tagal ko ng nagsusulat pero parang ito palang yata yung nasusulat ko para sa inyo, pasensya na mama at papa.
Hindi naman sa ayaw ko pero sadyang nakakaiyak lang yung mga ganitong bagay. Alam ko na alam niyo kung gaano ako kaiyakin, alam niyo lahat tungkol sa akin. Isa iyon sa mga ipinagpapasalamat ko, na lumaki ako na open sa inyo. Halong tuwing pag-uwi ko lagi akong may kwento lalo sa sayo mama, na minsan ay alam kong naririndi na kayo. Salamat sa lahat , tila ba hindi ko kayang isa-isahin ang mga nagawa niyo para sa amin.
Kung iniisip niyo na mas masaya kami sa ibang tao, nagkakamali kayo. Mas masaya ako pag kumpleto tayo. Kahit yung simpleng pagkwekwentuhan lang natin sa kawrto pag umaga o kaya naman yung pagbibiruan natin kapag kumakain.Minsan napapangiti nalang ako kapag naiisip ko kung gaano kami kaswerte ni totoy sainyo.Kung paano niyo ibigay yung mga gusto naming, isang sabi lang nandiyan agad.
Sayo papa, na araw-gabi nagtratrabaho para matustusan lahat ng pangangailangan naming. Na halos minsan wala ka ng pahinga dahil sa kaliwat kanang side line. Pero sa kabila nun ay nasasabayan mo parin kami sa mga hilig namin. Sa pag lalaro sa quantum, Austin land at iba pang arcade, naglalaro tayo para magkaroon ng maraming token. Sa paglalaro ng basketball o kaya naman dart.. nag papataasan tayo ng iskor at syempre sa pagbibike.. namimiss ko na magbike pa! Sorry naman kung nasasagot kita, na kahit ganun never mo akong pinalo pero andyan ka parin para pagsabihan ako.. Sobrang dami kong natutunan sa inyo ni mama. Ikaw yung kakampi ko sa lahat ng bagay. Wag mong papabayaan yung sarili mo kasi tutuparin ko pa yung promise ko na kapag nagkatrabaho na ko, bibili tayo ng sarili nating kotse na paglalagyan ng bike natin papuntang timberland. Iloveyou papa!
Para naman sayo mama, na mas kikay pa sakin. Sayo ko nga siguro naman yung pagiging kalog ko. Isa yun sa mga bagay na ipinagpapasalamat ko, ang magkaroon ng nanay na katulad mo. Hindi ka man perpekto, maingay ka man pero ikaw parin ang mama ko. Hindi makukumpleto yung araw naming kapag hindi naming narinig yang mala megaphone mong boses. Sa lahat ng tao ikaw yung pinaka nakakakilala sakin. Ikaw yung araw-araw kong kasama mula bata pa ko e. Mula elementary hanggang ngayon suportado ka sa lahat ng hilig ko. Ikaw yung unang taong masaya kapag nanalo ako sa mga contest, kasi nga lagi mo akong sinusuportahan. Ikaw din yung unang taong nag-aalala kapag ginagabi na ko ng uwi. Lagi kang nandiyan para ipagtanggol kami nila papa at totoy. Madiskarte ka at mabilis kumilos kaya nagagalit ka kapag pabagal bagal ako.Sabi nga ng mga kaklase ko mas bagets ka pa sakin, na totoo naman. Sunod ka sa uso, na ikinatutuwa ko naman dahil kung anong meron ka, ganun din ako. Hindi man halata pero sobrang close natin, na pati yung crush ko alam mo.Andyan ka palagi para ireto ako sa kung sino sino sabi mo pa magpapaletchon ka kapag may nanligaw sa akin kasi akala mo tomboy ako! Hanga ako sa paging ina at asaw mo.Asawa kay papa, na kahit napapagod ka na inaasikaso mo parin siya, hindi mo kami pinapabayaan. Ikaw yung pundasyon kung bakit matatag tayong pamilya. Slamat ma! Iloveyou.
Dumadating man yung mga oras na nagkakaproblema tayo, nalalampasan natin yun. Kumabaga e ‘almost perfect’ na nga tayo. Salamat sa inyo! Kung ano man ako ngayon at kung ano man yung mga na-achieve ko na ay dahil sa inyo yun, isa lang ang maiipangako ko.. Na kapag nagkatrabaho na ako, ako naman ak=ng magsisilbi para sa inyo. Alam kong mataas yung expectation niyo sakin kaya sorry sa mga disappointments na binibigay ko sainyo. Sana hindi ito yung huling sulatin na alay ko sainyo, salamat din sa proyektong ito sa Filipino, nailabas ko ang saloobin ko.
P.S Nakakaiyak! T_T
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento