Lunes, Nobyembre 2, 2015

Manggas: Kung paano nag-umpisa ang lahat

Sa mga oras na ito,hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o mabadtrip sa mga manggas niyang naging dahilan para makilala ko siya at makilala niya ko. Mahalin ko siya at saktan niya ko.

Tulad nga ng sabi ko, ng dahil sa manggas niya ay pinagtagpo kami, pero malamang hindi itinadhana. Normal na saakin na manaway ng mga estudyanteng lumalabag sa batas ng eskwelahan, #SSGProblems. Nag dahil sa pagsaway ko noon sa kanya ay  naging malapit kami sa isa’t isa, as in malapit! Yung tipo ng closeness na aasa ka na, aasang gusto ka rin niya.Pero dahil nga asa lang,hindi ka talaga niya gusto, ay ako pala! Kumbaga #Friendzone. Sa lahat ng mga naging crush ko sa kanya ako nasaktan ng sobraaaaa! Masyado akong na-attach sa kaniya,ganun din siya sakin pero lugi ako kasi kaibigan lang pala ang turing niya sakin.Ngayon gustong gusto ko ng magmove on. As in now na. Pero sobrang hirap pala lalo na at nasa same school,same building,at same shift kami, NAKAKALOKAAAA! Napaka-paasa niya! Bat ba kailangan niya pa kong pansinin kanina? Letchugas. Lalo akong di makakamove on niyan eh, lalo pa kanina nuong naghalungkat ako ng gamit ko halos lahat ata ng notebook at papel ko may pangalan niya,grabeee! Kung dati puro nakakainspire ang sinusulat ko para sa kanya,ngayon hindi na! Wag na! Tama na! Sana di nalang siya nagka manggas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento