Biyernes, Hulyo 17, 2015

Mga Katangian ng isang kaibigan na gustong maging katulad.

Isang araw na naman ang natapos at maraming gawain ang dapat simulan. Isa na rito ang takdang aralin sa filipino kung saan, maglalagay ng mga gustong katangian ng kaibigan na gustong tularan. Nang ibigay iyo ng aming guro.isang grupo lang naman ang pumasok sa isip ko, eto ang "Manila Water Gang" 
Ang grupo naming ito ay binubuo ng iba't ibang uri ng nilalang. May baliw,masayahin,tahimik,madaldal,malalim,maunawain at minsan pa'y may pabebe pero lahat sila'y kaibigan ko at pinapahalagahan ko. Masaya ako pag kasama sila kaya naman may mga paguugali at katangian sila na gusto kong tularan,hindi naman sa inggitera pero parang pakiramdam ko pag ganun din ako ay magiging matiwasay ang buhay ko. 

1.) Maunawain- Una talaga yan kasi,oo may pagka maunawain naman ako pero iba talaga yung sa kanila e kumbaga ibang lebel naaa! Gusto kong gusto ko yun lalo na pag nakokontrol nila yung emosyon nila at iniintindi nila kahit sobrang hirap intindihin. Ako kasi,kahinaan ko yun. Tingin ko masyadong mabilis tumaas ang presyon ko.


2.)Showy/Bukas sa nararamdaman- Etong ugali naman nilang ito ang pinaka hirap talaga ako lalo pa't ako yung tipo ng estudyante na "what you see is what you get" Kung anog makita mo sakin yun na yun, masyado akong nakokornihan sa mga tanong showy pero minsan gusto ko ding maging tulad nila kasi syempre mas na ipapakita at nasasabi nila yung nararamdaman nila kesa sakin na ako lang talaga yung may alam. Kapag naman bigla akong naging ganto malamang sa malamang magtataka yung mga tao sa paligid ko,kumbaga sa ingles "This is not me".


3.)Kalmado- Isa pa tong katangian nato,ang hirap lang iapply sa tunay na buhay. Lalong lalo na sa mga nakakalokang sitwasyon,halimbawa nalang tuwing nakikita ko yung crush ko kumpara sa mga kaibigan ko pag nakikita nila yung crush nila. Ako? Sobrang galak, talon talon nangungurot. Pero yung mga kaibigan ko? Ayun kalmado lang parang walang nagyari. Kaya sana talaga mahawaan nila ako ng pag uugaling yan.


Ilan lang yan sa mga katangian nila na gusto kong tularan,pero ang hirap. Hahaha! Kung tutuusin madami pa talaga yan kaya nga lang kailangan kong maging praktikal sa oras,dahil sa buhay natin kug hindi natin papahalagahan ang oras tayo rin ang magsisisi sa huli.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento