Sabado, Agosto 1, 2015

Paglisan

Hulyo 25, 2015 Sabado. Maaga akong nagising upang maghanda sa pagpunta sa paaralan para sa Indak Practice. Habang kumakain ay nagulat ako sa sinabi ng mama ko "Be, Wala na daw si Daddy Rey mo" pag kasabi nya nun ay kusa ng tumulo ang mga luha ko,ang hirap tanggapin. Si Daddy Rey ang Daddy Lolo ko, hindi man kami magkamag-anak ay sobrang importnate sya sa buhay ko dahil noong bata pa ko ay inalagan nila ako ni Mommy Remy,ang asawa nya. Pagkatapos ng practice ay agad na kaming pumunta sa St. Peter (Naia) dahil doon sya nakaburol. Nasa Parking lot na kami noon at naglalakad na papunta sa pinagburolan sa kanya, habang naglalakad ay nangingilid na ang luha ko at ng tuluyan na kaming makarating ay tuluyan na ring tumulo ang mga luha ko. Nang makita ko ang Litrato nya sa gilid ng kabaong ay para bang bumalik lahat ng masasayang ala-ala namin noong bata pa ako, yung mga panahong binubuhat nya ako at nakikipag kwentuhan sya sa akin.Pagsapit ng gabi ay nagsidatingan na ang iba pang bisita,isa dito ay ang mga dati naming kapitbahay na sobra ding malapit kay daddy rey. Sila Daddy Rey at Mommy Remy ang may-ari ng dati naming bahay,napaka bait nila kaya naman kahit matagal ng wala yung mga dati nilang boarders doon ay hindi pa rin nakakalimot sa kanila.Para bang nagka reunion ng panahong yun at masaya ang bawait isa dahil noon nalang ulit nagkita kita, pero syempre nandoon pa rin ang lungkot.Nang Lumalim na ang gabi ay napagpasyahan na naming maatulog habang ang ilan ay nagbabantay. Kanya kanyang hanap ng pwesto lalo pa't sobrang lamig dahil sa aircon. Pagsapit ng Linggo ay maaga akong nagising para mag-almusal at asikasuhin ang iba pang dumadalaw. Nang magtanghali ay bumili nalang kami ng pagkain sa Mcdo dahil ito ang pinaka malapit na kainan. Pagsapit ng hapon ay napagpasyahan na na naming umuwi at babalik na lang sa Miyerkules para sa huling lamay, napagpasyahan ko na ring liliban ako saklase sa huwebes dahil libing na ni Daddy Rey,ito na ang huling beses ko siyang makikita kaya isasakripisyo ko na ang isang araw ko.Nang makarating sa bahay ay kumain na kami at natulog. Diyan natapos ang sabado at linggo ko na puno ng kalungkutan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento