Linggo, Agosto 30, 2015

Nakakapagod na!

Buong buhay ko wala na akong ibang ginawa kundi i-please yung mga tao sa paligid ko,lalo na yung mga magulang ko. Alam ko na bilang anak trabaho ko yung gawin,pero nakakapagod din pala.
Nakakapagod ngumiti kahit sobrang lungkot ko na. Kahit masayahin ako,nasasaktan din naman ako.
Nakakapagod nang maging isang Apple Claire Benito, syempre dahil ako si Apple, kailangan ko maging matalino sa harap ng pamilya ko,masayahin sa harap ng ibang tao at mapagbigay sa harap ng mga kaibigan ko. Nakakapagod na!
Minsan nga naiisip ko sana normal na estudyante nalang ako,normal na tao. Yung tipong kahit wala ako sa Top 10 ayos lang,pero dahil nga ako si Apple hindi yun basta ayos lang. Lalo na sa mga magulang ko,katulad ngayon na-disappoint ko na naman sila nang malaman nila na hindi ako kasama sa Top. Tapos gagatungan pa ng ibang tao at magtatanong "Anong nangyari apple? Bakit wala ka sa Top?" Nakakabadtrip yun,kung alam nyo lang.
Nakakapagod magsinungaling sa sarili ko na tanggap ko yung nangyari pero ang totoo sa tuwing naaalala ko na wala nga ko sa top sobrang naiiyak ako. Naiiyak akong isipin na ano nga ba talagang nangyari? Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko. Pero sabi nga nila,baka may mas magandang plano si Lord para sa akin.
Nakakapagod masaktan.Hindi man pisikal pero emosyonal,lalo na kapag naiiisip ko kung paano ko na-disappoint yung mga magulang ko. Sana matapos na to,pagod na ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento