Linggo, Agosto 30, 2015

Bangungot ng NCAE.

"Umasa na nga ko sa crush ko pati ba naman sa NCAE papaasahin ako?"

Araw ng NCAE, iba't-ibang eksena sa loob ng paaralan.Mayroong mga naghahanap kung saan silid ba sila nabibilang,karamihan naman kasama ang kanilang mga kaibigan at nakikipag kwentuhan habang hindi pa nagsisimula. At dahil madaldal ako,kasama ko rin yung mga kaibigan ko,halos lahat kami excited na mag exam. Pero nawala ang excitement na ito ng magsimula na ang exam. Bukod sa ang hirap na nga ng exam,nakakaboring pa dahil sobrang tahimik. Pakiramdam ko nga'y mapapanis ang laway ko sa mga oras na iyon. Sabi ng mga dating grade 9 madali lang daw ito kaya umasa ko madali nga lang pero grabe lang,nakakadugo ng utak.Mayroon parin namang madadaling tanong pero ang mga tanong na to ay para bang maikukumpara sa bilang ng lalaki sa ngayon, Kakaunti nalang. Hindi ko alam na magiging isa pala ang NCAE sa most embarassing moment sa buhay ko, paano ba naman nakatulog ako habang nag eexam. Hindi naman yung diretsong tulog kundi yung nakaupo lang at bigla akong napa headbang sa antok. At dahil sobrang swerte ko,nahuli ako ng proctor namin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kung sasabihin ko ba na "Maam nakaka antok po talaga e" kaso baka palabasin lang ako. Kaya tanging ngiti nalang ang ginawa ko.Halo halong emosyon ang naramdaman ko nung NCAE na para bang sumakay ako sa tsubibo sa sobrang hilo,literal. Kaya kung ako ang papapiliin,hinding hindi ko na ito gugustuhing balikan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento