Sabado, Setyembre 5, 2015

Pore-BER Months.

Ber months na naman,sabi nila ano daw nararamdaman ko ngayong nagsimula na yung ber months. Teka nararamdaman? Dapat ba talagang may maramdaman ako? Kailangan ba sa lahat ng bagay ipakita ko yung nararamdaman ko? Tapos ano,masasaktan na naman ako. Sasabihin ko yung nararamdam ko para sa ber months, eh yung ber months nga walang nararamdaman para sakin e. Ganyan naman e,Pore-Ber one sided love nalang ang peg ko. Hay ber months na nga talaga,paano ba naman napapahugot na naman ako.Malapit na ring magpasko pero eto ako umaasa parin sa crush ko.Sana nga matanggal nako sa grupo ng mga SMP ngayong taon e,ano pore-ber member?
Pero kung seryosong usapan masaya naman ako ngayong ber months,pakiramdam ko kasi simula narin ng pagdating ng blessings sa buhay ko.Tulad nung nakaraang taon sunod sunod yung biyaya at pagkapanalo,sana ganun din ngayon.Isa pang dahilan ng kasiyahan ko yung papalapit na pasko,maraming datung. Atsaka pala sa pagsisimula ng ber months syempre magsisimula na din ang panibagong paglalakbay ko bilang grade 9. Paglalakbay  sa iba't ibang eskwelahan para sumali sa patimpalak o kaya nama'y mag cover ng isang event. Buhay manunulat nga naman, nakakasabik ng malaman ang kwento ng Ber Months 2015 ko,sana mas masaya pa sa dati. Saya lang walang sakit at kirot sa pusong durog.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento