“May mga taong dumadating sa buhay natin para paasahin tayo”
Talaga ba? Bakit ang bilis niya naman atang dumating sa
buhay ko? Ang dami naman nila.. pano ba naman kasi lagi nalang akong
pinapaasa,nakakapagod na!
Kung masugid kitang mambabasa,malamang naaalala mo pa yung
taong gusto ko pero may kasintahan na (Entry “kathang isip lang ba?) Alam mob a
na break na sila ng girlpren niya? Oo break na. Yung crush ko pa nga mismo yung
nagsabi nito eh. Pero ang nakakaloka lang,Hindi ko alam kung anong dapat kong
maramdaman.Dapat ba kong maging masaya kasi isa itong malaking oportunidad para
sa aming dalawa? (Ito na yung start sheeems) O dapat akong maguilty kasi
feeling ko ako yung dahilan nito,masyado na ba akong maharot o feelingera lang
talaga ako? Ewan ko ba. Ang dami kong nafifeel,e siya ba may feelings para
sakin? Okay lang sanang umasa e lalo na kung may patutunguhan kaso wala e,
mukang olats na naman.
Hindi ko alam kung dapat ko na bang tigilan ang kahibangan
ko sa kanya,ni hindi nya naman nga ako gusto e. Pero sa tuwing naiisip ko yung
araw na nilibre niya ako ng hany at shake tapos nag walk trip kami para bang
sumasabog ang puso ko at tanging pangalan niya lang ang sigaw nito. Sobrang
saya ko nung mga oras nay un,para bang yun na yung best 30 minutes ng buhay
ko,at ang Malala kasama ko pa siya dun. Mas lalo pa ako sakanyang nababaliw
kapag paulit ulit kong binabasa yung convo naming sa messenger. Para bang ang
sarap lang mabuhay. Pero sa likod ng kilig at sayang iyon ay ang mga salitang “ASA”
salitang walang kasiguraduhan,katulad ng pagtingin niya sakin,ASA nalang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento