Sana ngayong pasko ay maalala mo parin ako~
Normal na maging excited ang lahat tuwing disperas ng pasko
at araw ng pasko mismo pero ako hindi naman mashado. Unang una, simple lang
naman ang disperas namin e. Bibili ng ulam,cake at ice cream.. Minsan may kasamang
salad.. Maghahapunan sama sama at matutulog. Oo matutulog lang kami, 4 lang
naman kami sa bahay kaya parang ang korni kung gigising pa kami ng 12 midnight.
Wala lang, nakasanayan lang. Pangalawa,
kung ang lahat ng bata pag pasko masaya ako hindi na. Hindi na ako bata e, kaya
hindi na rin ako nakakapamasko. Sabi nga "As my age increses,my pamasko decreases"
Kung dati ang dami ngayon konti nalang. Literal
na konti. Pero naging masaya parin ang pasko ko dahil nag bonding kaming pamilya,
nanood ng sine at nagsimba. Simple lang diba? Pero masaya!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento