Isa to sa mga bagay na hindi ko ginagawa. Kasi malamang di
ko naman to matutupad.Ang pagbabago kasi nasa tao naman yan, kumbaga bigla
bigla nalang dumadating lalo na kung di natin inaasahan. Mahirap lang kasi
magbitiw ng salita tapos sa huli ay hindi mo naman matutupad. Pero kung may babaguhin man ako, gusto ko sana
na mas maging kalmado ako sa taong ito. Maiwasan ang pagiging moody ko, kasi nakakaapekto
talaga yun sa mga desisyon ko e. Bukod dun, siguro wala na. Ayokong magbago.
Naniniwala ako na ako si apple, kasi ganito ako. Kumbaga 'What you see, is what
you get' pero kahit ganun ay bukas naman ako sa mga pagbabagong dadating sa
taong ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento