Martes, Setyembre 22, 2015

Sinaktan-Nasaktan-Nanakit

"Hayop,Animal.Alaga,insekto" iba't-ibang katawagan para sa kanila,iba't ibang katawagan para sa kanilakasabay nito ang ibat ibang pagtrato rin. Sobrang serte na nga kung tutuusin kung matrato ang mga hayop ng maayos e,pero masakit mang isipin karamihan sa kanila ay sinasaktan at inaabuso ng sobra. Parang tao rin yan na nasasaktan. Kaya wag na tayo magulat kung bakit tayo sinasaktan ng mga hayop,tayo nauuna e. Nang aano kayo e! Wala naman akong pinaglalaban pero syempre diba maging maingat tayo. Wag silang saktan para di rin tayo saktan.

Miyerkules, Setyembre 16, 2015

Agres-sive

They can imitate you
but they can't duplicate you
a line from a song
that describes your smile for so long

The way you play basketball
makes me so inlove and fall
You're so agressive in the court
like you're surname that attracts me most <3

Sampung bagay na gustong Makita/mapuntahan sa Korea\

                         
                                                                     “Korea”
 Sa tuwing nababangit yang bansang yan ay para bang nabubuhay ang mga laman loob at dugo ko,isa lang naman ang naiisip ko at syempre yun ay ang kpop. Sobrang mahal na mahal ko ang kpop mula pa grade 7 ako kaya ng malaman ko na pag-aaralan naming ito ngayong ikalawang markahan ay sobrang saya ko,para bang sobrang sarap mag aral. Dahil mahal ko ang kpop ay minahal ko na rin ang korea at nandito ang 10 bagay na gusto kong gawin/puntahn sa korea.
1.       EXO
Sila talaga ang una at pinaka gusto kong Makita pag tungtong ko sa korea.Sila ang dahilan ng pagiging kpopper ko.Mula ulo hanggang paa yata nila e inalam ko,lahat ng tungkol sa kanila,kinabisado ko pa lahat ng kanta nila kahit nagkakanda bulol bulol nako. Hay sana talaga Makita ko na sila.




2.       Namsan Tower

Para sa katulad kong mahilig umasa bagay na bagay talaga tong puntahan para sakin.Gusto ko kasing maranasang isulat ang pangalan ko sa podlock at at ilock ito sa tower dahil pinaniniwalaan ng mga Korean na kapag nagpadlock ka dito kasama ang pangalan ng mahal mo ay magiging kayo na forever.Pero syempre mas gusto koi tong gawin kapag may asawa na ako para mas masaya diba? Ang panget naman kung ako lang magisa dun diba, ano poreber alone?
3.       Jeju Island-

Isa ito sa pinaka pinagmamalaki ng korea kaya gusto koi tong marating. Nalaman ko ang tungkol dito noong binasa ko ang librong “She’s Dating The Gangster” Sa sobrang adik ko sa librong ito ay na engganyo na rin akong puntahan ang jeju.
4.         



Isa naman ito sa pinaka gusto kong matikman,para itong candy.Gusto koi tong matikman dahil kinain ito ng EXO sa isa nilang palabas na “EXO Showtime” sabi ko nga sainyo sila ang buhay ko.
      

     
Seoul-
Mag-iikot ako sa seoul dahil ito ang capital ng korea malamang maraming lugar na pwedeng puntahan dito kaya siguradong mag-eenjoy ako.

Lima lang yan sa mga gusto kong gawin,ang natitirang lima ay irereserba pagdating ko dun dahil sabi nga “Expect the Unexpected” kaya mahirap ng magsalita ng tapos,kaya ngayon pa lang na iniisip ko ang pagpunta ko doon ay naeexcite na ako.

Lima lang yan sa mga gusto kong gawin,ang natitirang lima ay irereserba pagdating ko dun dahil sabi nga “Expect the Unexpected” kaya mahirap ng magsalita ng tapos,kaya ngayon pa lang na iniisip ko ang pagpunta ko doon ay naeexcite na ako.

Linggo, Setyembre 13, 2015

#Feelings: Error not found

“May mga taong dumadating sa buhay natin para paasahin tayo”
Talaga ba? Bakit ang bilis niya naman atang dumating sa buhay ko? Ang dami naman nila.. pano ba naman kasi lagi nalang akong pinapaasa,nakakapagod na!
Kung masugid kitang mambabasa,malamang naaalala mo pa yung taong gusto ko pero may kasintahan na (Entry “kathang isip lang ba?) Alam mob a na break na sila ng girlpren niya? Oo break na. Yung crush ko pa nga mismo yung nagsabi nito eh. Pero ang nakakaloka lang,Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.Dapat ba kong maging masaya kasi isa itong malaking oportunidad para sa aming dalawa? (Ito na yung start sheeems) O dapat akong maguilty kasi feeling ko ako yung dahilan nito,masyado na ba akong maharot o feelingera lang talaga ako? Ewan ko ba. Ang dami kong nafifeel,e siya ba may feelings para sakin? Okay lang sanang umasa e lalo na kung may patutunguhan kaso wala e, mukang olats na naman.

Hindi ko alam kung dapat ko na bang tigilan ang kahibangan ko sa kanya,ni hindi nya naman nga ako gusto e. Pero sa tuwing naiisip ko yung araw na nilibre niya ako ng hany at shake tapos nag walk trip kami para bang sumasabog ang puso ko at tanging pangalan niya lang ang sigaw nito. Sobrang saya ko nung mga oras nay un,para bang yun na yung best 30 minutes ng buhay ko,at ang Malala kasama ko pa siya dun. Mas lalo pa ako sakanyang nababaliw kapag paulit ulit kong binabasa yung convo naming sa messenger. Para bang ang sarap lang mabuhay. Pero sa likod ng kilig at sayang iyon ay ang mga salitang “ASA” salitang walang kasiguraduhan,katulad ng pagtingin niya sakin,ASA nalang.

Lunes, Setyembre 7, 2015

Tula-tula lang


Sa tuwing naaalala  kita
Puso ko'y sumisigla
Mga mata mong mapupungay
Parang ako nga'y tinutunaw

Mahal mo ba siya?
Teka sino ba siya?
Mali ang naisulat
ng itim na panulat

Gusto mo ba ako?
O sadyang sweet kang tao.
Ikaw ang liwanag
Sa buhay kong walang sinag

Kuryente


Huling araw sa Nobyembre
Nawalan kami ng kuryente
Sino bang may pake
Sa tulad kong nag-iinarte

O kay init
Puso ko'y napupunit
Pawis ko'y tumutulo
Dugo ko'y kumukulo

Meralco asan ka na ba?
Halika rito't ayusin na
Aming poste na tutumba-tumba

Malamig na gabi


Isang malamig na gabi

Sa lugar na walng gabiAng hangi'y umiihip

Parang ako'y mahahagip
Parang ako'y matutumba

Sa sobrang sakit ng bitukaNgayon na lang nakapagsulat

Sa kwadernong kulay pula

Wala na kong maisip

Dahil ang hangi'y umiihipItitigil na ang tula

Tula para sa pusa.

Haiku at Tanka

Haiku: Paglimot :'(

Ika'y di malimutan
ng puso kong sugatan
Sinta,paalam

Tanka: Mabilis na paglisan :((

Nang ikaw ay dumating
Puso ko'y sabik
At uhaw sa pagibig
Ito'y iyong pinunan
Ngunit panandalian

Sabado, Setyembre 5, 2015

AGRES-ibo.

Ang pagiging manunulat ay isa sa mga pinaka magandang nagyari sa buhay dahil bukod sa mahal ko ito mahal din ako neto hahaha charot! Pano ba naman ang saya sayang magcover ng mga events lalong lalo na ng kakatapos lang na unit meet. Basketball ang sport na kinover ko so ibig sabihin maraming lalaki,umaasa ako na makakahanap ako ng magiging crush sa ibang school pero nagkamali ako, yung mag papa inspire pala saaking kumuha ng larawan ay ka school ko lang rin. Haaaaay bakit ko ba sya biglang naging crush? Siguro dahil sa pagiging AGRES-ibo nya sa court, bagay na bagay talaga sa kanya ang apelyido nya. F**** Agres, yan ang pangalan nya! Secret na yung first name. :) Grabe sobrang agresibo nya maglaro,nakakagwapo talaga sa kanya lalong lalo na yung jersey nya. Sa bawat shoot nya nga ng 3 points parang tumitibok din ng 3 beses yung puso ko e. Hindi ko inaasahan na mag eenjoy ako sa dalawang araw na pagcocover ko, lalo pa't basketball yung laro, anong alam ko dun?
Pero sabi nga expect the unexpected,di ko inaasahan na aabot pa sa punto na nag cheer ako para sakanya. Yung tipong mapasigaw ka nalang pag naka puntos sya,hayyy grabe talaga nababaliw na ko. Tapos sobrang bait nya pa, salamat talaga sa blog na to makakatulog na ko ng maayos lalo pa't naisulat ko na ang nararamdaman ko.

Pore-BER Months.

Ber months na naman,sabi nila ano daw nararamdaman ko ngayong nagsimula na yung ber months. Teka nararamdaman? Dapat ba talagang may maramdaman ako? Kailangan ba sa lahat ng bagay ipakita ko yung nararamdaman ko? Tapos ano,masasaktan na naman ako. Sasabihin ko yung nararamdam ko para sa ber months, eh yung ber months nga walang nararamdaman para sakin e. Ganyan naman e,Pore-Ber one sided love nalang ang peg ko. Hay ber months na nga talaga,paano ba naman napapahugot na naman ako.Malapit na ring magpasko pero eto ako umaasa parin sa crush ko.Sana nga matanggal nako sa grupo ng mga SMP ngayong taon e,ano pore-ber member?
Pero kung seryosong usapan masaya naman ako ngayong ber months,pakiramdam ko kasi simula narin ng pagdating ng blessings sa buhay ko.Tulad nung nakaraang taon sunod sunod yung biyaya at pagkapanalo,sana ganun din ngayon.Isa pang dahilan ng kasiyahan ko yung papalapit na pasko,maraming datung. Atsaka pala sa pagsisimula ng ber months syempre magsisimula na din ang panibagong paglalakbay ko bilang grade 9. Paglalakbay  sa iba't ibang eskwelahan para sumali sa patimpalak o kaya nama'y mag cover ng isang event. Buhay manunulat nga naman, nakakasabik ng malaman ang kwento ng Ber Months 2015 ko,sana mas masaya pa sa dati. Saya lang walang sakit at kirot sa pusong durog.