Linggo, Enero 10, 2016

Anong nangyari?

Hindi ko alamkung bakit ako nagkakaganito? Bakit ba ganitooooo?
Tamad na tamad ako magsulat nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung bakit!
Pero isa lang gusto kong gawin, ang maisulat lahat ng nararamdamaan at naiisip ko sa ngayon na sobrang naghalo halo na talaga..

Sabado, Enero 9, 2016

New years resolution, kunware!

Isa to sa mga bagay na hindi ko ginagawa. Kasi malamang di ko naman to matutupad.Ang pagbabago kasi nasa tao naman yan, kumbaga bigla bigla nalang dumadating lalo na kung di natin inaasahan. Mahirap lang kasi magbitiw ng salita tapos sa huli ay hindi mo naman matutupad.  Pero kung may babaguhin man ako, gusto ko sana na mas maging kalmado ako sa taong ito. Maiwasan ang pagiging moody ko, kasi nakakaapekto talaga yun sa mga desisyon ko e. Bukod dun, siguro wala na. Ayokong magbago. Naniniwala ako na ako si apple, kasi ganito ako. Kumbaga 'What you see, is what you get' pero kahit ganun ay bukas naman ako sa mga pagbabagong dadating sa taong ito.

2016 naaaaaaa!

Eto.. Eto talaga ang araw na pinakahihintay ko, kasi masaya to! Magulo,Maingay at aasa na naman akong tatangkad ako. Pero bago yun ay naging abala din kami, sobra! Dahil nga kasi mag abagong taon e patok na patok ang mga pagkaing bilog kaya patok din ang special puto ni mama.. Sobrang dami umorder kaya abala kaming lahat sa bahay. Ako? Sa akin nakatoka ang mga gelatin na handa sa new year pati na rin ang hugasan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit naging maganda ang pasok ng taon ko, marami kaming kinita! Bagong taon talga ang pinaghahandaan namin. Maraming handa sa lamesa, may prutas.. Salad,cake puto,wine, ang paborito kong hipon at marami pang iba.Ramdam ko din nung mga panahong yun ang tinatawag nilang 'holiday rush' sobrang daming tao sa SM, mabuti nga't nakalabas pa kami. 
Nakakatuwa talaga dahil bukod sa maraming handa e, may motif pa kaming buong pamilya. ORANGE! Masaya kaming nanood ng fireworks display sa terrace ng bahay. Tanaw na tanaw lahat. Sa araw din na to, first time kong uminom ng wine, alak. Masarap pero sobrang nakakasuka kaya malamang ayoko ng umulit. Nakakalasing nga! Pag sapit ng January 1 ay nagsimba akong magisa sa St. therese , oo ako lang. Nalasing kasi si papa, kaya hindi sila nakasama. Sa unang araw din ay sinimulan ko ng mag ipon sa alkansya. Masasabi kong maganda ang umpisa ng taon ko. 

Walang ganap

Sana ngayong pasko ay maalala mo parin ako~

Normal na maging excited ang lahat tuwing disperas ng pasko at araw ng pasko mismo pero ako hindi naman mashado. Unang una, simple lang naman ang disperas namin e. Bibili ng ulam,cake at ice cream.. Minsan may kasamang salad.. Maghahapunan sama sama at matutulog. Oo matutulog lang kami, 4 lang naman kami sa bahay kaya parang ang korni kung gigising pa kami ng 12 midnight. Wala lang,  nakasanayan lang. Pangalawa, kung ang lahat ng bata pag pasko masaya ako hindi na. Hindi na ako bata e, kaya hindi na rin ako nakakapamasko. Sabi nga "As my age increses,my pamasko decreases" 
Kung dati ang dami ngayon konti nalang. Literal na konti. Pero naging masaya parin ang pasko ko dahil nag bonding kaming pamilya, nanood ng sine at nagsimba. Simple lang diba? Pero masaya!