Sabado, Pebrero 27, 2016

Sabado Linggo

February 20-21

Weekends.. Eto yung mga araw na pinakahihintay ng mga estudyante,syempre 'rest day' kuno..Pero sa sitwasyon ko walang pahinga pahinga!Sabado palang ng umaga abala na ko, maaga kasi akong pupunta sa school para sa mga paimportanteng bagay.Pagdating ng tanghali tinawagan ako ng papa ko na pumunta daw ako ng SM dahil marami silang token <3 at as usual ayun naman ang ginagawa namin tuwing weekend pero dahil arami pa kong dapat tapusin ay sandali lang ako doon at dumeretso na ng National Bookstore para bumili ng mga gamit para sa miniature kong paimportante din. Gabi na ng makauwi kami kaya napagdesisyunan ko ng simulan ang miniature ko. Alas tres na ng umaga ako natapos..Ansaya diba? Pero hindi parin tapos. Kinalinggohan ay alas nwebe na ko nagising dahil sa puyat. Ang araw sanang iyon ay ang free day ko kung saan may lakad kami ng ehem jagi ko <3 ehem pero dahil mahal ko ang drafting inuna ko yung miniature!
Maaga din akong umalis para naman bumili ng pintura para sa painting naman.. Hindi pa tapos yung miniature may panibago na naman, mas masaya diba? yan ang tinatawag na #DRAFTINGPAMORE! matapos kong bumili umuwi na rin ako..pagdating ko sa bahay wala na sila mama, nasa binyagan sila at pagkatapos at gagala sila. Oo sila lang kasi ako gagawa na naman ng miniature! Buong linggo ay wala akong tulog! As in wala. Worthit naman dahil natapos ko na siya sa wakas. Papasok nga lang ako ng bangag,pagod at gutom! Ang saya saya talaga. Marahil eto nga ang dahilan kung bakit ako nag collapse pagdating ng lunes.. Hindi na kinaya ng katawan ko. Maraing salamat nga pala sa mga nag-alala at tumulong. :)

P.S Wag papasok ng bangag. Kain kain din..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento