"Umasa na nga ko sa crush ko pati ba naman sa NCAE papaasahin ako?"
Araw ng NCAE, iba't-ibang eksena sa loob ng paaralan.Mayroong mga naghahanap kung saan silid ba sila nabibilang,karamihan naman kasama ang kanilang mga kaibigan at nakikipag kwentuhan habang hindi pa nagsisimula. At dahil madaldal ako,kasama ko rin yung mga kaibigan ko,halos lahat kami excited na mag exam. Pero nawala ang excitement na ito ng magsimula na ang exam. Bukod sa ang hirap na nga ng exam,nakakaboring pa dahil sobrang tahimik. Pakiramdam ko nga'y mapapanis ang laway ko sa mga oras na iyon. Sabi ng mga dating grade 9 madali lang daw ito kaya umasa ko madali nga lang pero grabe lang,nakakadugo ng utak.Mayroon parin namang madadaling tanong pero ang mga tanong na to ay para bang maikukumpara sa bilang ng lalaki sa ngayon, Kakaunti nalang. Hindi ko alam na magiging isa pala ang NCAE sa most embarassing moment sa buhay ko, paano ba naman nakatulog ako habang nag eexam. Hindi naman yung diretsong tulog kundi yung nakaupo lang at bigla akong napa headbang sa antok. At dahil sobrang swerte ko,nahuli ako ng proctor namin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kung sasabihin ko ba na "Maam nakaka antok po talaga e" kaso baka palabasin lang ako. Kaya tanging ngiti nalang ang ginawa ko.Halo halong emosyon ang naramdaman ko nung NCAE na para bang sumakay ako sa tsubibo sa sobrang hilo,literal. Kaya kung ako ang papapiliin,hinding hindi ko na ito gugustuhing balikan.
Ang Blog na ito ay Rated PG. Pwede sa lahat ng mambabasa. :)) Si Apple Claire Benito ay isang estudyanteng nagmula sa Antipoloooo Cityy. Ako nga pala yun. Tara na't sabay sabay na tunghayan ang bawat karanasan at pangyyari sa buhay ko/
Linggo, Agosto 30, 2015
Nakakapagod na!
Buong buhay ko wala na akong ibang ginawa kundi i-please yung mga tao sa paligid ko,lalo na yung mga magulang ko. Alam ko na bilang anak trabaho ko yung gawin,pero nakakapagod din pala.
Nakakapagod ngumiti kahit sobrang lungkot ko na. Kahit masayahin ako,nasasaktan din naman ako.
Nakakapagod nang maging isang Apple Claire Benito, syempre dahil ako si Apple, kailangan ko maging matalino sa harap ng pamilya ko,masayahin sa harap ng ibang tao at mapagbigay sa harap ng mga kaibigan ko. Nakakapagod na!
Minsan nga naiisip ko sana normal na estudyante nalang ako,normal na tao. Yung tipong kahit wala ako sa Top 10 ayos lang,pero dahil nga ako si Apple hindi yun basta ayos lang. Lalo na sa mga magulang ko,katulad ngayon na-disappoint ko na naman sila nang malaman nila na hindi ako kasama sa Top. Tapos gagatungan pa ng ibang tao at magtatanong "Anong nangyari apple? Bakit wala ka sa Top?" Nakakabadtrip yun,kung alam nyo lang.
Nakakapagod magsinungaling sa sarili ko na tanggap ko yung nangyari pero ang totoo sa tuwing naaalala ko na wala nga ko sa top sobrang naiiyak ako. Naiiyak akong isipin na ano nga ba talagang nangyari? Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko. Pero sabi nga nila,baka may mas magandang plano si Lord para sa akin.
Nakakapagod masaktan.Hindi man pisikal pero emosyonal,lalo na kapag naiiisip ko kung paano ko na-disappoint yung mga magulang ko. Sana matapos na to,pagod na ko.

Lunes, Agosto 24, 2015
Kathang isip lang ba?
Habang gumagawa ako ng aking mga assignment naisip ko nalang bigla na magpost sa aking blog ng tungkol sa nararamdaman ko ngayon. May isang tao akong nagugustuhan,habang tumatagal mas nagiging malapit kami sa isa't isa kaya feeling ko may gusto na rin siya sa akin pero tingin ko rin malabo e kasi may kasintahan na siya. Hay ang hirap ng ganto,hindi ko alam kung panakip butas lang ba ako sa kanya o totoo ang mga sinasabi nya. Kathang isip nga lang ba ang nararamdamang ito? Kathang isip na hinding hindi magkakatotoo. Sana maramdaman niyang nasasaktan rin ako. Nasasaktang isipin na sa bawat matatamis na salitang sinasabi nya,ganun rin kaya sya sa iba? Hanggang ngayon nga hindi ko alam kung bakit ko siya nagustuhan e. Dahil ba lagi ko siyang nakikita? Lagi ko siyang sinasaway? Kumbaga e, Im inlove with a Rule Breaker ang peg ko.
Bago ko tapusin to, isa lang naman ang hiling ko, ang dumating ang tamang time kung saan totoo at wala ng halong piksyon ang nararamdaman namin sa isa't isa. Yung panahon kung kailan parehas na malaya ang pusong nasaktan ng sobra.

#Relatemuch
http://blognimaria.blogspot.com/2015/08/huwag-basahin.html
Sa lahat ng blog ng aking mga kaklase, ang entry na ito ng isa sa aking matalik na kaibigang si iwag ang napili ko, para bang sobrang sakit ng pinagdaanan nya? Sa totoo lang nakakarelate ako sa kanya. Yung tipong halos ikaw lagi yung gumagawa ng first move pero lagi namang nganga. Gustong gusto ko yung sinabi nya na "I wonder kung hindi ako kikilos may mangyayari kaya sa atin?" Try ko kaya to minsan sabihin.. Haaaayyyy tulad nga ng kaibigan kong si Iwag sana dumating na rin si Mr. Right. <3

Damdamin ng isang makata
Paano nga ba maipapahayag ang nararamdaman sa isang tao? Isang tanong na sa aki'y nagungulo,paano nga ba? Hay.. ang hirap talaga,lalo pa't babae ako,
Buong buhay ko namulat ako sa katotohanan na pagdating sa pagibig,kailangan lalaki ang gagawa ng first move kaya hindi ako sanay magpahayag ng damdamin sa taong gusto ko.Pero kung ako ang tatanungin mas pipiliin kong magpahayag gamit lamang ang ballpen at papel. Sa papamagitan ng tula o kaya nama'y sulat. Mas madali kung tula dahil unang una mas mas magagawa ko ito sa masining na pamamaraan, kumbaga ramdam na ramdam mo talaga yung nararamdaman mo para sa taong yun. Sa tula mas napapahayag ko talaga ang mga gusto kong sabihin lalo na kapag gumagamit ng mga malalalim na salita.

Lunes, Agosto 17, 2015
Repleksyon sa unang markahan,Pagbabago sa susunod.
Sa lumipas na unang markahan ay sa totoo lang hindi ako masyadong masaya dahil para bang hindi ko nagawa lahat ng makakaya ko? Hay alam mo yun, yung parang may kulang pero marami naman akong natutunan. Pagdating naman sa mga naexperience, talaga namang kotang kota din ako, masaya. Kaya sa susunod na markahan ay susubukan kong mas galingan pa at mag sipag pa, dahil mejo tamad ako.
Linggo, Agosto 16, 2015
Birthday kooooooo
Before this special day ends i just want to thank all of you! 😍😍 hahaha sa lahat ng bumati,nakigulo nakikain at nakisaya ngayong birthday ko! Ang saya talaga hahahaa. Di ko man kayo mapasalamatan isa isa, lahatan nalang hahaha ang dami nyo grabe. Wooo 15 nako 😍 sana mas maging masaya pa. Thankyouuu din kila mama at papa, kahit sobrang biglaan at pagod sa handa. 😍 thankyouuu! Sa mga hindi naman nakapunta, okay lang talaga (haynako) haha. Sa mga naghintay ng 12 para bumati, isa kayong alamat hahaa salamat. Wala ko masabi haha jk.
Lunes, Agosto 10, 2015
#LDP pa more.
Sabado ng umaga excited na excited aakong mag ayos para sa paghahanda sa gaganaping LDP. Programa ito ng Red Cross kung saan,pinapaunlad ang pagiging isang leader ng mga kabataan. Makakasama namin dito ang mga estudyante ng Muntindilaw at Mayamot NHS. Pagdating palang ay bakas na ang excitement sa mga kasali lalo pa nang sinabi ni mam na truck ng basura ang sasakyan papunta sa mayamot. Bagaman pangalawang beses ko ng sumakay dun ay natutuwa na nandidiri pa rin ako. Para ba kaming nasa ride ng mga panahong yun,ride na mabaho. Sa pagsisimula ng training ay maraming ginawang activity, sobrang ingay din ng mga taga mambugan. Kumbaga aktibo kami.
|Pinaghalo halo kami ng grupo para makilala ang iba pang school at maswerte ako dahil ang grupo namin ang palaging nangunguna, ang Beast mode Group! Naglecture din ang mga trainer tungkol sa History ng Red Cross. Pagsapit ng linggo ay nagsimula na ang pinaka highlight ng training, ang Amazing Race, at talaga nga namang nakaka enjoy lalo pa't gumulong kami sa putik,nagpakabasa at iba pa. PEro ang pinaka nakakainis sa lahat ay ang kawalan ng tubig ng Mayamot kaya umuwi kaming di pa nakakaligo, pagkatapos ng training ay dumiretso kami sa bahay ng kaibigan ko dahil nga birthday nya, dahilan para maging sobrang saya ng weekend ko. <3

Paboritong Maikling Kwento.
https://filipinolohista.wordpress.com/2012/06/12/isang-dosenang-klase-ng-high-school-student-ni-bob-ong/
Sa lahat ng nabasa kong maikling kwento,ang kwentong ito ang pinaka tumatak sa aking isipan. Nabasa ko ang maikling kwentong ito noong ako'y nasa grade 7 pa lamang,isa ito sa mga akda na dapat naming pag-aralan. Tuwang tuwa talaga ako dito dahil para bang nakaka relate ako. Kung ihahalintulad ko ang sarili ko dito, ako siguro yung isa sa mga "Bob Ong's" dahil para saakin ay isa akong medyo matino na medyo may sayad na estudyante. Kumbaga Average lang. Nang mabasa ko rin ito ay naisip ko ang mga kaklase ko na pwedeng ihalintulad sa iba pang uri ng estudyante dito. Sekreto na kung sino sila. :P
Tula
Tula para sayo. heart emoticon (para sa hinahangaan)
Ang tulang to'y para sayo
Para sayo na hinahangaan ko
Hinahangaan mula noon
Tinitingala hanggang ngayon
Para sayo na hinahangaan ko
Hinahangaan mula noon
Tinitingala hanggang ngayon
Sa taglay mong katalinuhan
Para bang ako'y nagugulumihanan
Kung paano ko maabot
Ang tulad mong nakakakilabot
Para bang ako'y nagugulumihanan
Kung paano ko maabot
Ang tulad mong nakakakilabot
Mga mata mong mapupungay
Para bang ako'y tinutunaw
Sanay akoy mapansin mo rin
Tulad ng pabebe girl sa aking iskrin
Para bang ako'y tinutunaw
Sanay akoy mapansin mo rin
Tulad ng pabebe girl sa aking iskrin
Sa pagtatapos ng tulang ito
Nawa'y matapos na rin ang nararamdaman para sayo
Nararamdamang di kayang suklian
Paghanga kong di kayang pantayan.
Nawa'y matapos na rin ang nararamdaman para sayo
Nararamdamang di kayang suklian
Paghanga kong di kayang pantayan.
Lunes, Agosto 3, 2015
Paboritong Kanta
Ang Paboritong Kanta. <3
Ang kantang ito ang napili ko dahil pag sinabing paboritong kanta ay ito agad ang pumasok sa isip ko. Talaga nga namang napaka ganda ng kantang ito,bukod sa napaka ganda nitong pakingan ay talagang maganda rin ang mensahe ng mismong kanta.
Sa tagal ko na itong pinapakingan ay aaminin kong mabibilang lamang sa kamay ang panahong naintindihan ko ang liriko neto. Ang mga panahong yun ay yung mga panahong malungkot ako, yung tipong mapapa senti ka nalang dahil sa ganda ng kanta. Marami pa kong ibang paboritong kanta pero iba talaga yung impact neto sakin. Yung tipong marinig mo lang ay talagang nanamnamin mo yung kanta. May sentimental value din ito sa akin. Tuwing naririnig ko ito ay naalala ko ang isang taong nagig importante sa buhay ko,taong mahalaga sakin mula noon hanggang ngayon, </3https://youtu.be/LT-CcHE1MNY

Sabado, Agosto 1, 2015
Paglisan
Hulyo 25, 2015 Sabado. Maaga akong nagising upang maghanda sa pagpunta sa paaralan para sa Indak Practice. Habang kumakain ay nagulat ako sa sinabi ng mama ko "Be, Wala na daw si Daddy Rey mo" pag kasabi nya nun ay kusa ng tumulo ang mga luha ko,ang hirap tanggapin. Si Daddy Rey ang Daddy Lolo ko, hindi man kami magkamag-anak ay sobrang importnate sya sa buhay ko dahil noong bata pa ko ay inalagan nila ako ni Mommy Remy,ang asawa nya. Pagkatapos ng practice ay agad na kaming pumunta sa St. Peter (Naia) dahil doon sya nakaburol. Nasa Parking lot na kami noon at naglalakad na papunta sa pinagburolan sa kanya, habang naglalakad ay nangingilid na ang luha ko at ng tuluyan na kaming makarating ay tuluyan na ring tumulo ang mga luha ko. Nang makita ko ang Litrato nya sa gilid ng kabaong ay para bang bumalik lahat ng masasayang ala-ala namin noong bata pa ako, yung mga panahong binubuhat nya ako at nakikipag kwentuhan sya sa akin.Pagsapit ng gabi ay nagsidatingan na ang iba pang bisita,isa dito ay ang mga dati naming kapitbahay na sobra ding malapit kay daddy rey. Sila Daddy Rey at Mommy Remy ang may-ari ng dati naming bahay,napaka bait nila kaya naman kahit matagal ng wala yung mga dati nilang boarders doon ay hindi pa rin nakakalimot sa kanila.Para bang nagka reunion ng panahong yun at masaya ang bawait isa dahil noon nalang ulit nagkita kita, pero syempre nandoon pa rin ang lungkot.Nang Lumalim na ang gabi ay napagpasyahan na naming maatulog habang ang ilan ay nagbabantay. Kanya kanyang hanap ng pwesto lalo pa't sobrang lamig dahil sa aircon. Pagsapit ng Linggo ay maaga akong nagising para mag-almusal at asikasuhin ang iba pang dumadalaw. Nang magtanghali ay bumili nalang kami ng pagkain sa Mcdo dahil ito ang pinaka malapit na kainan. Pagsapit ng hapon ay napagpasyahan na na naming umuwi at babalik na lang sa Miyerkules para sa huling lamay, napagpasyahan ko na ring liliban ako saklase sa huwebes dahil libing na ni Daddy Rey,ito na ang huling beses ko siyang makikita kaya isasakripisyo ko na ang isang araw ko.Nang makarating sa bahay ay kumain na kami at natulog. Diyan natapos ang sabado at linggo ko na puno ng kalungkutan.
Mga etiketa:
Daddy Rey,
Kalungkutan,
Paglisan
Lokasyon:
Philippines
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)